^

Bansa

Regalong 13-0 nais ni GMA

-
Hiningi ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga kababayan niyang Kapampangan na iregalo nila sa kanyang ika-54 na kaarawan ang 13-0 boto para sa mga pinili niyang kandidatong senador ng makaadministrasyong People Power Coalition sa halalan sa Mayo.

Ipinagdiwang ni Arroyo ang kanyang kaarawan sa Pampanga na tinubuang lalawigan ng kanyang yumaong ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal.

Nakinig muna siya sa isang misa sa katedral ng San Fernando, Pampanga bago niya pinamunuan ang iba’t ibang aktibidad na regalo sa kanyang kaarawan sa Bren Guiao Convention Center.

Sinabi ng Pangulo na ang ganap na suporta ng mga Kapampangan sa kanyang mga piniling kandidato ang titiyak sa mabilis na pagsusulong ng gobyerno sa mga proyektong pangkaunlaran ng kanyang administrasyon. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BREN GUIAO CONVENTION CENTER

HININGI

IPINAGDIWANG

KANYANG

KAPAMPANGAN

LILIA TOLENTINO

PAMPANGA

PANGULONG DIOSDADO MACAPAGAL

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PEOPLE POWER COALITION

SAN FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with