P5,000 presyo sa bawa't election return?

Nagkakahalaga ng P5,000 bawat isa ang ibinebentang mga election return na ninakaw ng Black Samurai sa Commission on Election noong taong 1998. Ito ang nabatid kahapon kay Comelec Commissioner Luzviminda Tancangco kaugnay ng Black Samurai na isa umanong sindikato na binubuo ng ilang opisyal at empleyado ng Comelec.

Sinabi ni Tancangco na nakumpirma niya ang operasyon ng naturang grupo nang isa niyang kaibigang abogado ang nakabili ng isang set ng naturang mga election return.

Ito anya ang dahilan kaya, bilang tagapangulo ng printing committee, naghigpit siya sa pagpapaimprenta ng mga election return. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments