Nasaan si Tan?
April 2, 2001 | 12:00am
Nakipag-ugnayan kahapon ang National Bureau of Investigation sa pulisya at militar para matunton ang kinaroroonan ng negosyanteng si Dante Tan ng Best World Resources na napaulat na nagtago makaraang madakip ang dalawa sa mga suspek sa pagdukot at pagpatay sa public relations man na si Salvador Dacer.
Tinitingnan ng mga impormante mula sa intelligence community ang dalawang nakarekord na address ni Tan para maberipika ang report na nawawala ang negosyante. Wala na umanong nakatira sa isa sa mga bahay ni Tan nang puntahan ito ng mga ahente ng pulisya.
"Posibleng nagdesisyon siya na lumayo sa kontrobersya. Kung dinukot siya, dapat sanang nagsumbong sa mga awtoridad ang kanyang pamilya," wika ng isang mataas na opisyal ng pulisya.
Naunang inihayag ng pamilya ni Dacer na, nang mawala ang biktima noong Nobyembre 24, may bitbit itong dalawang attache case na naglalaman ng mga dokumentong may kinalaman sa BW Resources at malaking halaga ng pera. Mahalaga umano ang naturang mga dokumento sa noon ay impeachment trial laban kay dating Pangulong Joseph Estrada.
Wala umano ang naturang mga attache case nang matagpuan ang puting Toyota Revo ni Dacer sa Maragondon, Cavite. (Ulat ni Christina M. Mendez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest