^

Bansa

Bahay ni Nora Aunor niratrat

-
IRIGA CITY – Napilitang lisanin ni Superstar Nora Aunor, kandidatong gobernador ng People Power Coalition(PPC) sa lalawigan ng Camarines Sur ang kanyang tahanan sa Bgy. San Miguel matapos itong paulanan ng bala ng mga hindi pa kilalang mga kalalakihan kamakalawa ng hapon.

Ayaw namang magbigay ng pahayag ang kampo ni Aunor sa mga mamamahayag ukol sa naganap na pagratrat sa tahanan na ginagamit ding headquarters ng PPC. Makakaharap ni Aunor ang re-eleksiyunistang si Gob. Luis Villafuerte.

Sinabi ni Iriga PNP chief Edgar Agar na kasalukuyang inaalam nila kung sino ang mga suspek at kung ano ang motibo sa pamamaril sa tahanan ni Aunor pero hindi umano nila inaalis ang anggulong may kinalaman ito sa politika.

Sa pagsisiyasat ni P/Insp. Edgar Ballarda na sakay ng isang Ford Expedition ang mga hindi pa kilalang mga suspek nang tatlong beses nitong paulanan ng bala ang bahay ni Aunor bandang ala-1:10 ng hapon at pagkatapos ay mabilis na pinasibad ang kanilang sasakyan.

Halos nagkabasag-basag ang bintanang salamin at nagkabutas-butas ang pintuan ng bahay ni Aunor.

Isang team ang binuo ng pulisya dito para tugisin at alamin kung sino ang nagmamay-ari ng nasabing expedition van na tanging mayaman lamang ang may kakayahang makabili nito.

Kasalukuyang si Aunor ay lumipat sa hindi mabatid na lugar sa lunsod ding ito para umano sa kanyang kaligtasan.

Hindi naman makumpirma ng pulisya kung si Aunor ay nasa loob ng kanyang bahay nang paulanan ito ng bala.

Ang naganap na pamamaril ay kauna-unahang pangyayari umano na may kinalaman sa politika.

Magugunita na si Aunor ay matalik na kaibigan ni dating Pangulong Joseph Estrada na malaki ang naitulong sa pangangampanya kasama ang isa pang kaibigan na si Fernando Poe Jr. noong 1998 presidential election na isa sa naging dahilan para si Estrada ay maluklok sa puwesto.

Subalit isa rin si Aunor sa naging instrumento sa pagkatalsik ni Estrada sa puwesto nang ito ay bumaligtad at sumama sa EDSA People Power 2 para manawagan sa pagbibitiw nito sa puwesto. (Ulat nina Cet Dematera at Ed Casulla)

vuukle comment

AUNOR

CAMARINES SUR

CET DEMATERA

ED CASULLA

EDGAR AGAR

EDGAR BALLARDA

FERNANDO POE JR.

FORD EXPEDITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with