^

Bansa

P50,000 para sa biktima ng banggaan

-
Inihayag kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na makakakuha ng tig-P50,000 ang pamilya ng bawat pasaherong nasawi sa magkahiwalay na mga banggaan ng mga sasakyan sa Bocaue, Bulacan at sa Parañaque City kamakalawa.

Ang danyos ay ibibigay sa mga kaanak ng mga nasawing pasahero ng bus ng RAM Transit na sinalpok ng isang trailer truck sa North Luzon Expressway sa Bocaue at ng pampasaherong jeepney na sinalpok ng isang oil tanker sa Parañaque.

Sinabi ni LTFRB Chairman Dante Lantin na ang pagkakaloob ng ayuda sa mga biktima ay alinsunod sa passenger insurance coverage para sa mga pampasaherong sasakyan sa buong bansa.

Aabutin naman umano ng P12,500 ang tatanggapin ng mga pasaherong nasugatan sa dalawang aksidente.

Nabatid din na magkakaloob din ng tulong sa mga biktima ang pangasiwaan ng RAM Transit.

Samantala, kinasuhan na ng hit and run, reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple physical injuries at damage of property laban kay Gilbert Galleron na driver ng nabanggit na oil tanker. Kasalukuyan pang pinaghahanap ng pulisya si Galleron.

Nanawagan naman si Speaker Feliciano Belmonte na ipailalim ng pamahalaan sa regular na neuro at drug examination ang mga driver para mabawasan ang madudugong aksidente sa lansangan. (Ulat nina Angie dela Cruz, Lordeth Bonilla at Marilou Rongalerios)

AABUTIN

BOCAUE

CHAIRMAN DANTE LANTIN

GILBERT GALLERON

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LORDETH BONILLA

MARILOU RONGALERIOS

NORTH LUZON EXPRESSWAY

SPEAKER FELICIANO BELMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with