Masa nililigawan ni GMA

Patuloy na gumagawa ng hakbang si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para mapalapit sa kanya ang masa o mahihirap na mamamayan na naunang sandigan ni dating Pangulong Joseph Estrada. Pormal ding binuksan kahapon ng Pangulo ang Malacañang garden bilang pasyalan ng publiko tuwing Linggo.

Bukod sa pasyalan, inimbitahang magbigay ng aliw dito ang Bayanihan Philippine Folk Dance Company. Nakipagsayawan din ang Pangulo at si First Gentleman Mike Arroyo sa mga Bayanihan dancer kasama ang ibang bata na dumalo sa okasyon.

Nauna rito, inilunsad ng Pangulo ang pakikipagdayalogo sa mga mahihirap na mamamayan na humihingi ng tulong sa Malacañang lalo na sa Presidential Action Center. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments