Ito ang mariing pahayag ni Ermita sa mga akusasyon na kabilang umano siya sa tatlong humaharang kay Reyes para maging permanenteng Defense Chief.
Ipinaliwanag ni Ermita na ang ganitong hindi kanais-nais na paghaharang ng appointment ay isang bagay na hindi niya magagawa dahil Presidente lamang ang may kapangyarihan na makapagtalaga sa puwesto ng miyembro ng kanyang gabinete. (Ulat ni Lilia Tolentino)