Electioneering laban sa 8 heneral isasampa
March 15, 2001 | 12:00am
Inihayag kahapon ni Acting Philippine National Police Chief Deputy Director General Leandro Mendoza na nagbigay na siya ng go-signal para kasuhan ng electioneering sa Ombudsman ang walong heneral ng PNP na lumahok sa pangangampanya ni dating Police Director General Panfilo Lacson na kasalukuyang kumakandidatong senador.
Sinabi ni Mendoza na inatasan na niya ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group na mangalap ng matibay na ebidensya laban sa naturang mga opisyal bago pormal na isampa ang kaso sa Ombudsman.
Kabilang sa mga heneral na nahaharap sa kasong paglabag sa election code sina P/Directors Jose Ayap ng Ilocos Region, Vic Batac, Reynaldo Acop, Romeo Acop, C/Supts. Gregorio Dolina ng Southern Mindanao Region, Tiburcio Fusilero ng Central Visayas, Dominador Domingo ng Zamboanga at Francisco Zubia na pawang mga kaal- yado ni Lacson. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest