Ginawa ni Executive Secretary Renato de Villa ang paniniyak sa isang panayam sa radyo dahil sa napaulat na pagtatangka umano ng anak ni Marcos na si Irene Araneta at asawa nitong si Gregorio na i-withdraw ang $13.2 bilyong account nito sa Union Bank of Switzerland para mailipat ito sa Deutsche Bank ng Germany.
Gayunman, tumanggi si De Villa na magbigay ng ibang detalye maliban sa pagkumpirma na sinisikap ng pamahalaan na mapigilan ang umanoy pagtangka ng mag-asawang Araneta na ilipat sa ibang banko ang naturang kayamanan.
Iminungkahi naman ni Partylist Rep. Etta Rosales (Akbayan) sa pamahalaan na imbestigahan ang naturang ulat at magpadala agad ng kinatawan sa Germany para mapigilan ang mga Marcos na mailabas ang salapi.
Dapat anyang kasuhan ng perjury ang mga Marcos kapag napatunayang totoo ang ulat. (Ulat nina Marichu Villanueva at Marilou Rongalerios)