Pulitikong may private armies gigiyerahin
March 12, 2001 | 12:00am
Kasalukuyang nangangalap ang pulisya ng mga ebidensya laban sa mga pulitiko at ibang personahe na nagmamantini ng mga private armies o mga walang lisensyang baril para magawan ng kaukulang aksyon ang mga ito.
Inatasan ni Metro Manila Police Chief Deputy Director General Romeo Pena ang lahat ng intelligence chief na isumite sa kanyang tanggapan hanggang linggong ito ang resulta ng kanilang imbestigasyon para makagawa ng mga hakbang at matiyak na magiging payapa ang Metro Manila sa halalan sa Mayo.
"Kinukumpleto namin ang aming listahan ng mga kandidato sa darating na halalan," sabi ni Pena sa isang panayam sa telepono. Idinagdag niya na, sa ngayon, wala pa silang natutukoy na magulong lugar at napakaaga pa para ideklarang hot spot ang isang lugar.
Ipinaliwanag ni Pena na maaaring maging alalahanin o area of concern ang isang lugar kung naglipana rito ang mga private armies at mga baril na walang lisensya at napakainit ng labanan ng mga magkakalabang kandi dato. Maituturing din anyang area of immediate concern ang isang lugar kung suportado ng Communist Party of the Philippines o ng Moro Islamic Liberation Front ang isang kandidato. Hanggang kahapon, sinasabi ng pulisya na tanging maituturing palang na area of concern sa Metro Manila ang Mandaluyong at Marikina. Sinabi ni Eastern Police District Director C/Supt. Simeon Dizon Jr. na masusi niyang minomonitor ang dalawang lunsod. Itatakda niya ang klasipikasyon ng mga ito sa pagsisimula ng kampanya sa lokal na halalan sa Marso 30.
Kapwa kumakandidatong mayor sa Marikina City sina Maridez Fernando ng Bayani Party at Romeo Candazo ng Lakas-NUCD. Sa pagka-mayor at vice mayor naman ng Mandaluyong, mainitan ang tunggalian ng mga tambalang Benhur Abalos Jr.-Jessie Cruz ng Lakas-NUCD at Ernesto Domingo-Philip Salvador ng Puwersa ng Masa. Sinasabi ng intelligence source ng pulisya na kabilang sa mga tagasuporta nina Fernando at Candazo ang ilang grupong may kaugnayan umano sa kilusang komunista. Inaakusahan naman ni Domingo si Abalos ng malawakang "dagdag-bawas" sa nagdaang halalan bagaman dinismis ito ng Commission on Elections. (Ulat ni Non Alquitran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest