Desisyon ipinaubaya ni GMA kay Rep. Defensor
February 28, 2001 | 12:00am
Sinabi kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nasa desisyon na ni Housing and Urban Development Coordinating Council Chairman Michael Defensor kung mananatili ito sa puwesto o magbibitiw.
Ayon sa Pangulo, sinabihan niya si Defensor na hindi niya ito pipigilan kung nais nitong kumandidatong muli sa pagka-kongresista dahil magiging mahusay itong mambabatas.
Ipinaliwanag ng Pangulo na, kung aalis si Defensor sa Gabinete, dahilan dito ang pagkandidato nito at hindi sa dahilang hindi nito puwedeng makatrabaho ang ibang hinirang na opisyal.
Gayunman, sa hiwalay na panayam, sinabi ni Presidential Spokesman Renato Corona na nagbago na ng desisyon si Defensor at nagpasya itong manatili sa puwesto.
Marami namang mambabatas sa pangunguna ni Speaker Feliciano Belmonte at mga miyembro ng Spice Boys sa House ang nagpapayo kay Defensor na manatili sa Gabinete ng Pangulo. (Ulat nina Lilia Tolentino at Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest