3 sundalo pinugutan ng Sayyaf
February 26, 2001 | 12:00am
ZAMBOANGA - Isang tagapagsalita ng bandidong Abu Sayyaf ang nagsabi sa isang panayam sa radio station DXLL kahapon na pinugutan nila ang tatlo sa mga sundalong napatay sa isang pakikipag-enkuwentro nila sa militar noong Biyernes bagaman hindi ito makumpirma sa independiyenteng impormante.
Sinabi pa ng tagapagsalita na 13 pang sundalo ang namatay sa labanan sa Jolo.
Pero pinabulaanan ni Army area commander Major General Narciso Abaya ang pahayag ng Abu Sayyaf. "Kung merong ganitong report, hindi namin yan maitatago," sabi pa ni Abaya.
Sinabi ni Abaya na, sa tally ng militar, dalawang sundalo ang napatay at 23 ang nasugatan sa sagupaan sa kagubatan ng Jolo noong Biyernes. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest