^

Bansa

Escort system sa NAIA pinatunayan sa Laarni case

-
Pinatunayan ng pagpuslit sa Ninoy Aquino International Airport ng kalaguyo ni dating Pangulong Joseph Estrada na si Laarni Enriquez na totoong may nagaganap na escort system sa paliparan.

Ayon kay Party-List Rep. Patricia Sarenas (Abanse! Pinay), dapat na iutos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpapahinto ng ‘escort system’ dahil maituturing umano itong isang ‘lucrative business’ ng mga tiwaling tauhan ng NAIA.

Naunang nabunyag ang escort system nang imbestigahan ito ng House Committee on Women at ng Committee on Good Government ang mga kaso ng overseas Filipino workers (OFWs) na nakakalabas ng bansa nang hindi dumaraan sa tamang proseso.

"Maliwanag na kapag may koneksyon ka sa Immigration at sa airport officials ay madali kang makakapasok at makakalabas ng bansa nang hindi namamalayan ng media," ani Sarenas, chair ng House Committee on Women. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ABANSE

AYON

GOOD GOVERNMENT

HOUSE COMMITTEE

LAARNI ENRIQUEZ

MALOU RONGALERIOS

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PARTY-LIST REP

PATRICIA SARENAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with