P10-M suit laban kay Rep. Jose Mari Gonzales

Nagsampa kahapon si House of Representatives Sergeant-at-Arms Bayani Fabic sa Quezon City Prosecutors Office ng P10 milyong damage suit laban kay San Juan Congressman Jose Mari Gonzales dahil sa pananampal nito sa kanya makaraang pagtibayin at isumite ng mababang kapulungan sa Senado ang articles of impeachment laban kay dating Pangulong Joseph Estrada noong nakaraang taon.

Bukod pa ito sa mga naunang kasong grave slander by deed na isinampa niya laban sa mambabatas. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments