Murder vs Salamat, atbp. dinismis

Dinismis kahapon ng Makati Regional Trial Court ang kasong multiple murder laban kay Moro Islamic Liberation Front Chairman Hashim Salamat at ibang opisyal at miyembro nitong sina Al Haj Murad, Ghadsali Jaafar, Aleem Aziz Mimbantas, Salfulla Unon, Mohammed Guindolongan at Ismael Abbas na isinangkot sa pambobomba sa Makati City na ikinamatay ng dalawang pulis noong Disyembre 30.

Sinabi ni Judge Roberto Diokno na walang sapat na ebidensya laban sa mga akusado. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments