Sa halip, ipinasya ng partido na suportahan ang broadcaster na si Ronald Estella para labanan si dating Executive Secretary Ronaldo Zamora sa pagka-kongresista ng San Juan na balwarte ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Isang impormante sa Lakas ang nagsabing hiningi ni Gonzales ang basbas ng partido pero inayawan siya dahil sa pananampal niya kay House of Representatives Sergeant-at-Arms Bayani Fabic makaraang pagtibayin ni dating Speaker Manuel Villar ang articles of impeachment laban kay Estrada noong nakaraang taon.
Nang mapatalsik si Estrada sa puwesto, bumaligtad si Gonzales at dumikit sa opisyal ng Lakas na si dating Speaker Jose de Venecia para maiindorso siya nito sa San Juan.
Pero sinabi ng impormante na marami ang nagalit sa pananampal ni Gonzales kay Fabic kaya tumanggi ang Lakas na suportahan siya. (Ulat ni Marilou Rongalerios)