Application na dadaan kay Mike, ibabasura ni GMA

Pinayuhan kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang publiko na huwag nang mag-aksaya ng panahong humingi ng pabor sa asawa niyang si First Gentleman Mike Arroyo dahil walang mangyayari rito.

Sinabi ng Pangulo sa isang forum sa Greenhills, San Juan na pinagbawalan niya ang kanyang asawa sa pakikialam sa mga transaksyon sa pamahalaan. Tanggap umano ito ng First Gentleman.

Idinagdag niya na mapupunta lang sa basurahan ang mga application paper na idinadaan sa kanyang asawa ng mga nais magkatrabaho.

Sinabi naman ni G. Arroyo na binalaan na rin niya ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan hinggil sa patakarang ito ng Presidente para hindi sumama ang kanilang loob kung hindi mapagbigyan sa pabor na kanilang hinihingi. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments