Tagumpay ng EDSA Dos di masasayang - GMA

Ipinangako kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na bibigyan niya ng disente at mahusay na pamahalaan ang sambayanan at hindi masasayang ang ipinaglaban nito sa matagumpay na pangalawang People Power Revolution na nagpatalsik kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Ginawa ni Arroyo ang pangako sa isang pananghalian sa Malacañang na inihandog para sa mga testigo sa naudlot na paglilitis ng Senado sa kasong impeachment ni Estrada.

Kabilang sa mga testigong dumalo sa okasyon sina Clarissa Ocampo, Annie Ong, Elizabeth Balagot, Emma Lim, Carmencita Itchon, Perfecto Yasay at Edgardo Espiritu.

Hiniling ni Arroyo sa kanila na tumulong sa kanyang administrasyon sa pagpapanibagong-tatag ng bansa at para magamot na ang sugat na nalikha ng pagkakawatak-watak ng lipunan dahil sa naturang usapin. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments