BIR official kinasuhan ni Erap

Nagsampa kahapon si dating Pangulong Joseph Estrada sa Ombudsman ng mga kasong Usurpation of Authority, paglabag sa Foreign Currency Deposit Act at Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay Bureau of Internal Revenue Deputy Commissioner Lilian Hefti at apat pang opisyal ng BIR at dalawang opisyal ng Citibank dahil sa pagpigil ng mga ito na mai-withdraw niya ang kanyang pera mula sa naturang banko.

Sinabi ni Estrada na nais lang siyang idiin ng mga nasasakdal sa mga kontrobersyal na Jose Velarde at Kelvin Garcia account bagaman hindi pa napapatunayan na kanya ito. (Ulat ni Grace Amargo)

Show comments