^

Bansa

Mistress ni Erap tetestigo laban sa ex-president

-
Isa sa mga umano’y kalaguyo ni dating Pangulong Joseph Estrada ang nagpahayag ng kahandaang tumestigo sa mga kasong isinampa laban sa napatalsik na presidente.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Justice Secretary Hernando Perez pero tumanggi siyang banggitin sa mga mamamahayag ang pangalan ng babae.

Ikinatwiran ng kalihim na aalamin muna nila kung magagamit ng mga prosecutor ng pamahalaan ang testimonya ng naturang babae sa kasong plunder laban kay Estrada na isinampa sa Ombudsman.

"Kailangan muna naming malaman kung ano ang nalalaman niya. Parang wala siyang gaanong kasalanan kaya hindi muna namin maisisiwalat ang pangalan niya," paliwanag ng kalihim.

Sinabi ni Perez na isang abogado ang tumawag sa kanya at nagtanong kung gusto niyang pakinggan ang testimonya ng babae na handang magsilbing testigo laban kay Estrada.

Sa kabilang dako, kinumpirma ni Perez na isang emisaryo ang tumawag sa DOJ kaugnay ng kahandaan umano ng negosyanteng si Charlie "Atong" Ang na tumestigo laban sa kaibigan nitong si Estrada.

Sinabi ni Perez na pinag-aaralan pa nila kung kuwalipikado o hindi si Ang.

Sa isang pulong-balitaan, binalaan ni Senador Franklin Drilon ang pamahalaan laban sa mga planted witness laban kay Estrada.

Sinabi ni Drilon na maraming nais tumestigo para lang makatakas sa mga posibleng kaso laban sa kanila. Dapat anyang mag-ingat si Perez sa mga naglilitawang testigo dahil baka iligaw lang ng mga ito ang kaso na magdudulot ng pagpapawalang-sala kay Estrada.

Ayon naman kay Ilocos Sur Governor Luis Singson, dapat munang magbigay ng affidavit si Ang sa DOJ at pag-aralan ang motibo nito. Mahirap anyang pagkatiwalaan si Ang na naunang nagpahayag na hindi ito babaligtad kay Estrada kahit pa siya (Ang) patayin. (Ulat nina Delon Porcalla, Lilia Tolentino, Doris Franche at Rose Tamayo)

DELON PORCALLA

DORIS FRANCHE

DRILON

ESTRADA

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS SINGSON

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

LABAN

PEREZ

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with