^

Bansa

Erap humirit sa pagpapatuloy ng trial

-
Hiniling ni dating Pangulong Joseph Estrada kina Senate President Aquilino Pimentel Jr. at Chief Justice Hilario Davide na ipagpatuloy ang naudlot na paglilitis sa kasong impeachment laban sa kanya para malaman ng mamamayan ang buong katotonan sa ibinibintang sa kanya.

Pinuna ni Estrada na ipinasya ng Senado na tapusin na ang paglilitis at buwagin ang impeachment court kahit hindi pa niya naibibigay ang kanyang panig. Hindi anya parehas ito dahil ang panig lang ng tagausig ang narinig.

Nahinto ang paglilitis noong Enero 17 nang magbitiw ang 11 kongresistang prosecutor na bunsod ng pagtanggi ng mayorya ng Senado na tanggapin ang isang ebidensya laban kay Estrada. (Ulat ni Lilia Tolentino)

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

ENERO

HINILING

LILIA TOLENTINO

NAHINTO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PINUNA

SENADO

SENATE PRESIDENT AQUILINO PIMENTEL JR.

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with