Just call me ‘Mike’

"Tawagin na lang ninyo akong Mike."

Ito ang naging pahayag kahapon ni Atty. Jose Miguel "Mike" Arroyo, asawa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, sa taong sa kanya kung ano ang nais itawag ng mga reporter at publiko sa kanya.

Ang suhestiyon naman ng iba ay puwede siyang tawaging First Husband na katumbas ng First Lady sa babaeng asawa ng Pangulo.

Sinabi ni Arroyo na hindi siya partikular sa ranggong itatawag sa kanya kaya mas makabubuting Mike na lang.

Nakahanda naman itong tumulong sa asawa sa pagtataguyod ng programang pangkabuhayan para maiangat ang kasalukuyang pamumuhay ng mamamayan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments