^

Bansa

2nd envelope pabubuksan ni Erap

-
Pabubuksan ni dating Pangulong Joseph Estrada sa Lunes, Enero 22, ang kontrobersyal na pangalawang envelope na naglalaman diumano ng depositong salapi ni Jose Velarde na nagkakahalaga ng P3.3 bilyon sa iba’t ibang banko.

Ito ang inihayag ni Melo Santiago, isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Estrada, matapos dumalaw sa dating Pangulo sa Presidential Residence kahapon ng tanghali bago ito umalis sa Palasyo kasama ang miyembro ng kanyang pamilya.

Sinabi ni Santiago na ang pagpapabukas ng kontrobersyal na envelope na tinutulan ng 11 senador na pabuksan ang siyang magpapatunay na ang depositong salapi ay hindi talaga sa kanya.

Ang pagtanggi ng mayorya ng pagpapabukas ng envelope ang siyang nagbunsod sa malawakang paglulunsad ng People Power II na nagwakas sa pagpapaalis sa puwesto kay Estrada at ang pagtatalaga sa dating Bise-Presidente bilang kapalit na lider ng bansa. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

BISE-PRESIDENTE

ENERO

JOSE VELARDE

LILIA A

MELO SANTIAGO

PABUBUKSAN

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PEOPLE POWER

PRESIDENTIAL RESIDENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with