Sinabi kahapon ni Fabic na hindi siya nasisiyahan sa desisyon ng Ethics Committee ng House kamakalawa na parusang reprimand lang sa halip na expulsion o pagpapatalsik sa puwesto ang ipataw kay Gonzalez dahil sa pananampal nito sa kanya nang pagtibayin ni dating Speaker Manuel Villar ang articles of impeachment laban kay Pangulong Joseph Estrada noong Nobyembre 13, 2000.
Sinabi ni Fabic na maaaring sa Ombudsman isampa ang huling kasong binanggit niya. Dahil sa desisyon ng komite na pinangunguluhan ni Lanao del Norte Rep. Alipio Badelles, nagbitiw dito ang mga miyembro nitong oposisyon tulad nina Reps. Magtanggol Gunigundo, Rogelio Sarmiento, Patricia Sarenas, Dante Liban at Ronald Cosalan. (Ulat ni Malou Rongalerios)