^

Bansa

Hinuling bombers, fall guys - Ping Lacson

-
Pinangangambahang may mamumuong hidwaan kina Philippine National Police Chief Director-General Panfilo "Ping" Lacson at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines Chief B/Gen. Jose Calimlim dahil sa pagkakadakip kamakalawa sa 17 katao sa Culiat, Quezon City na isinangkot sa mga pambobomba sa Metro Manila noong Disyembre 30.

Nagalit kamakalawa si Lacson sa pagdakip ng mga ahente ng anti-terrorism unit na MIG-15 ng ISAFP sa 17 residente ng Culiat.

Bagaman hindi tuwirang sinabi ni Lacson, ipinahiwatig niya na mga fall guy lang o hindi naman ang mga ito mga tunay na suspek na hinahanap nila. Nasira anya rito ang operasyon ng pulisya laban sa mga tunay na salarin.

Nilinaw ni Lacson na walang kinalaman ang PNP at ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force sa naturang mga pagdakip.

Pinuna ni Lacson na hindi nakipag-ugnayan ang militar sa pulisya nang isagawa ang pagdakip sa 17 lalaki na pawang mga tubong-Mindanao.

Sinabi pa ni Lacson na kilala na nila ang utak at iba pang may kagagawan sa pambobomba na kasalukuyang tinutugis ng pulisya sa labas ng Metro Manila.

Binanggit pa niya na may kinalaman sa problema sa Mindanao ang pambobomba at hindi sa kasong impeachment ni Pangulong Joseph Estrada.

Sinabi pa ni Lacson na kinasuhan na nila kamakalawa ang isang grupo ng mga suspek (hindi ang mga hinuli sa Culiat) sa pambobomba pero hindi siya nagbanggit ng mga pangalan.

Pero nabatid kahapon sa Department of Justice na isinampa na rito ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang mga kasong murder at frustrated murder laban sa siyam na opisyal ng Moro Islamic Liberation Front tulad ng tagapangulo nitong si Hashim Salamat.

Idinawit ng pulisya ang MILF sa pambobomba noong Disyembre 30 batay sa mga dokumentong nakuha ng militar sa Camp Bushra ng naturang grupo sa Lanao del Sur noong Setyembre 2000.

Kahapon din ng hapon, pinalaya ng AFP ang 14 sa 17 dinakip nila sa Culiat dahil sa kawalan ng ebidensya laban sa mga ito. Hawak pa ng militar ang nalalabing tatlong lalaki.

Iginiit naman ni AFP Chief of Staff Gen. Angelo Reyes na lehitimo ang pagsalakay ng militar sa Culiat at may koordinasyon sila sa pulisya nang arestuhin ang 17 naunang pinaghinalaang suspek sa pambobomba. (Ulat nina Joy Cantos, Lilia Tolentino at Grace Amargo)

vuukle comment

ANGELO REYES

CAMP BUSHRA

CHIEF OF STAFF GEN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CULIAT

DEPARTMENT OF JUSTICE

DISYEMBRE

LACSON

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with