Hindi tumatanggap ng sagot na 'no'
January 6, 2001 | 12:00am
Marami ang kumalat na balita na bago "napasakamay" ni Erap ang puso ni Laarni Enriquez noong 1983. Marami umano itong ginawang paraan upang mahulog ang kalooban ng dalaga na noon ay 21 years old lamang. Namumukadkad noon ang kagandahan ni Laarni at diumano’y marami ang nanliligaw dito. Ibang klaseng manligaw si Erap. Kapag ang babae na ang kasangkot ay lumalabas ang angking kagalantehan. Diumano’y dinaan muna ni Erap si Laarni sa mga regalo. At isa pang ugali ni Erap kapag may natipuhang babae ay hindi umano tumatanggap ng sagot na "no". Gagawin nito ang lahat upang mapasagot ang babaing nagpatibok ng puso.
Nang mga panahong umusbong ang kanilang pagmamahalan ay si Guia Gomez nga ang First Lady ng San Juan. Ang lihim nina Erap at Laarni ay alam din ni Guia subalit wala siyang magawa. Ang kanilang pagsasama sa loob ng 18 taon ay mahalaga sa kanya. Sa kabila nag pagiging babaero ni Erap ay nirerespeto pa rin ito ni Guia.
Nagbunga nga ang relasyon nina Erap at Laarni noong 1985. Isinilang si Jerika, ang kanilang panganay. Kung kukuwentahin, mula 1983 hanggang 1985 ay kay Laarni na naka-pokus ang tingin ni Erap. Marami ang nagsabi na kaya umano masyadong na-attached si Erap kay Laarni ay sapagkat mas bata ito at bukod dito ay masyadong maaalalahanin umano.
Nasundan si Jerika ni Jake na ipinanganak noong 1989. Ito ay dalawang taon makaraang magkabalikan sina First Lady Loi at Erap at wala na si Guia Gomez. Masasabing masuwerte ang pagkakasilang sa ikalawang anak sapagkat nanalong Vice President si Erap ng mga sumunod pang taon. Pagkaraang maipanganak ang ikalawang anak nina Erap at Laarni ay matagal ito bago nasundan. Walang makapagsabi kung ano ang dahilan subalit itinuturong ang paghahanda ni Erap sa Presidential election noong 1998 ang dahilan. Masyado umanong siyang naging busy. Noong 1996 ay isinilang ang ikatlong anak nina Erap at Laarni na si Jakob. Kasunod nang pagkakasilang kay Jakob ay ang pagtahak na ni Erap sa masalimuot na pamumuno niya sa Pilipinas.....Itutuloy (Ulat ni Ronnie M. Halos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest