^

Bansa

Hindi namin iiwanan si Erap — Counsel

-
Mariing pinabulaanan ni Atty. Estelito Mendoza ang kumalat na balita na tatalikuran ng defense panel si Presidente Estrada matapos maghayag ng testimonya ang isang Equitable Bank executive na ang Pangulo at si Jose Valhalla o Velarde ay "iisang tao."

Sinabi pa ni Mendoza na ang naging pahayag ni Clarissa Ocampo, Senior Vice President ng banko sa impeachment court ay irrelevant sa articles of impeachment at hindi makatarungan para sa kanilang kliyenteng si Presidente Estrada.

Sinasabi na dahil sa testimonya ni Ocampo na siya mismo ang nagdala ng papeles sa Malacañang na pinirmahan ng Pangulo bilang Jose Valhalla o Velarde na lalong nadiin ang Pangulo sa ipinaratang na anomalya laban sa kanya.

Sa pangyayaring ito, kumalat ang mga text message na pati ang mga abogado ng Pangulo na kinabibilangan nina Mendoza, dating Chief Justice Andres Narvasa, Atty. Jose Flaminiano at Atty. Raul Daza ay magbibitiw na bilang mga abogado ng Pangulo.

Pero ito ay maagap na pinabulaanan ni Mendoza.

Naunang ibinunyag ng prosecution panel ang isang tseke na may lagda ng isang Jose Valhalla na kalauna’y naging Velarde na nagkakahalaga ng P142 milyon. Sinasabing ito ang ipinambayad sa kontrobersyal na Boracay mansion na tinitirhan ng isa sa mga babae ni Estrada.

Sa pahayag ni Ocampo, sinabi niya na personal siyang nagtungo sa Malacañang upang papirmahin ang Pangulo sa mga papeles at ang inilagda nito’y pangalang Jose Velarde.

Malaki umano ang pagkatulad ng lagda ng Pangulo kay Velarde. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

CHIEF JUSTICE ANDRES NARVASA

CLARISSA OCAMPO

JOSE VALHALLA

MENDOZA

PANGULO

PRESIDENTE ESTRADA

VELARDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with