^

Bansa

2 kawani ng PLDT 'spy' ng PAOCTF

-
Dalawang empleyado umano ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) ang sinasabi ng mga mamamahayag na sina Christine Herrera at Carlito Pablo ng Philippine Daily Inquirer (PDI) sa Senado kaugnay ng isyu ng wiretapping sa mga prosecutors, senator-judge ng impeachment tribunal.

Bagama’t hindi tinukoy nina Herrera at Pablo ang mga pangalan ng PLDT men, sinabi ng mga ito na tumatanggap ito ng hiwalay na suweldo, P40,000 bawat isa mula sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF).

Ayon kina Herrera at Pablo, ito rin ang nagbigay sa kanilang source na senior police officer ng dokumento na nagpakita sa kanila ng listahan ng 100 nasa ilalim ng monitor at surveillance.

Apat na senador-judge at apat na prosecution panel naman ang sinabi nina Herrera at Pablo na walang record na ito ay na-wrietapped. Ito ay sina senador Blas Ople, Miriam Defensor-Santiago; Tessie Aquino-Oreta at Ramon Revilla. Sina prosecutor congressman Joker Arroyo; Feliciano Belmonte; Salacnib Baterina at Sergio Apostol. Nagsimula ang monitoring sa mga ito noong Oct. 3 hanggang sa ngayon sa mga landline phones.

Samantala, nagbalik kahapon sa witness stand si Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson at inilahad na P130 milyon ang nakuha ni Pangulong Estrada sa kanya mula sa excise tax ng tabacco kung saan inutusan ni Charlie "Atong" Ang ang tatlo nitong tauhan na i-withdraw ang pera sa Land Bank of the Philippines (LBP) at Westmont Bank sa Mandaluyong. Sinabihan siya ni Ang na sa bahay na lang sila maghihintay subalit nang dumating ang pera ay tuluy-tuloy itong dinala at sinabihan na hintayin pa ang ibang pera. Dinala sa bahay ni Estrada sa Polk St. San Juan ang pera at nagpasalamat pa sa kanya ang Unang Ginang dahil sa kailangan ng pamilya ng pera matapos ang eleksyon.

Nagkaroon naman umano si Singson ng pagkakataon na tanungin si Loi kung magkano ang ibinigay ni Ang at lumilitaw na P70,000 lamang na ikinagalit ng Pangulo. Lumilitaw na P20M ang napunta kay Loi; P15M kay Jinggoy at P25M kay Ang. Ang pera ay galing sa P200M na bahagi ng P500M pondo na hinihiling ni Singson para sa renovation ng Kapitolyo. (Ulat nina Doris Franche, Rose Tamayo at Joy Cantos)

BLAS OPLE

CARLITO PABLO

CHRISTINE HERRERA

DORIS FRANCHE

FELICIANO BELMONTE

HERRERA

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

JOKER ARROYO

JOY CANTOS

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with