Magsasampa ang mga mambabatas mula sa Lapian ng Masang Pilipino (LAMP) ng isang resolution of endorsement upang hilingin sa Presidente ang pagtatalaga kay North Cotabato Rep. Anthony Dequina bilang Kalihim ng DND, kapalit ni Mercado, na tatakbong senador.
Makakalaban ni Dequina sa naturang posisyon si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Angelo Reyes, na personal choice ni Mercado dahil sa pagiging matalik na kaibigan. (Ulat ni Malou Rongalerios)