Amigos ni Erap tiniktikan
December 19, 2000 | 12:00am
Mukhang nadala na si Pangulong Joseph Estrada na magtiwala kahit sa kanyang mga kaibigan makaraang isangkot siya ng dati niyang kainuman at kalaro sa mga sugal na si Ilocos Sur Governor Luis Singson.
Ito ang obserbasyon kahapon ni Isabela Congressman Heherson Alvarez matapos mapabalitang pinamamanmanan umano ni Estrada sa Presidential Anti-Organized Crime Commission ang mga kaibigan nito at ang oposisyon para malaman ang mga ginagawa nito at pakikipag-usap sa telepono.
Sinabi ni Alvarez na ang paniniktik o bugging activities ng PAOCTF sa telepono ng oposisyon at mga kaibigan ng Pangulo ay isang desperadong pagsisikap nito na kumapit sa patalim para manatili sa puwesto.
Kaugnay nito, sinabi ng tagapagsalita ng oposisyong Lakas-NUCD na si Hernando Perez na kakasuhan nila ang PAOCTF dahil sa wiretapping activities nito o paniniktik sa mga tawag sa telepono ng mga tao na kumokontra sa Pangulo.
Pinabulaanan naman ng Malacanang na tinitiktikan nito ang mga telepono ng mga kalaban ni Estrada sa pulitika.
Sinabi ni National Security Adviser Alexander Aguirre na walang dapat imonitor dahil lantad sa publiko ang ginagawa ng pamahalaan at ng oposisyon.
Nilinaw din ni Philippine National Police spokesman Sr. Supt. Nicanor Bartolome na hindi maaaring magsagawa ng wiretapping ang PAOCTF bukod sa dumidistansya ang buong pulisya sa pulitika.
Ipapatawag din ng Senado si Philippine Long Distance Telephone Co. President Manny Pangilinan at ang mga opisyal ng pulisya at ng PAOCTF para linawin ang umano’y paniniktik sa mga opisyal ng pamahalaan.
Pinuna ni Las Piñas Rep. at dating Speaker Manuel Villar na makakasira sa kredibilidad ng prosesong impeachment ang naturang wiretapping. (Ulat nina Malou Rongalerios, Lilia Tolentino, Joy Cantos, Doris Franche at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended