Erap takot mabitay - Sen.Biazon, Rep. Zubiri
December 14, 2000 | 12:00am
Malaki ang posibilidad na natatakot na mabitay si Pangulong Joseph "Erap" Estrada kaya iginigiit niya ngayon sa Kongreso na ipawalambisa ang batas na nagpapataw ng parusang kamatayan sa mga karumal-dumal na krimen.
Sinabi ni Senador Rodolfo Biazon sa isang panayam kahapon na nagtataka lang siya sa biglang pagbabago ng desisyon ni Estrada na dating isa sa masugid sa pagpapatupad sa Death Penalty Law.
Sa House of Representatives, sinang-ayunan ni Bukidnon Congressman Juan Miguel Zubiri ang obserbasyon ni Biazon.
Sinabi nina Biazon at Zubiri na posibleng natatakot si Estrada na mabitay kapag nasentensyahan ng impeachment court dahil nasa ilalim ng kasong plunder na may parusang bitay ang graft and corruption.
Ang graft and corruption ang ikalawa sa articles of impeachment na isinampa ng House of Representatives sa Senado at kasalukuyan nitong nililitis,
Ginunita ni Biazon na, sa kabila ng pakiusap ng simbahan at ng ilang sektor, hinayaan ni Estrada na mabitay sa lethal injection ang child-rapist na si Leo Echegaray noong nakaraang taon.
Pero, sa sitwasyon ngayon ng kaso ni Estrada sa Senado, sorpresa para kay Biazon ang paghingi ng una sa mga kaalyado nito sa Kongreso na ipawalambisa ang naturang batas. (Ulat nina Doris Franche at Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am