"Wala sa lahi namin ang magnanakaw" - Erap
December 10, 2000 | 12:00am
Iginiit kahapon ni Pangulong Joseph Estrada na walang sino man sa kanyang pamilya o sa Ejercito clan ang gagawa ng anumang kalokohan na sisira sa pangalan at karangalan ng kanilang pamilya.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag bagaman hindi ito tuwiran niyang tugon sa pahayag ng testigong si Emma Lim sa impeachment trial na nagdadawit sa anak niyang si San Juan Mayor Jinggoy Estrada sa operasyon ng jueteng.
"At masasabi ko na ako’y naging mayor, naging senador, naging Bise Presidente at Presidente, sa lahat ng taong pinaglingkuran ko, hindi nagkaroon ng bahid ng dungis ang aking pangalan. "At wala sa aking lahi, ang aking pamilya na magnanakaw. At ako’y naniniwala na, sa dakong huli, mananaig ang buong katotohanan," sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng mga lokal na opisyal at residente sa Agoo, La Union na kanyang binisita kahapon para pasinayaan ang isang bagong health projects sa lalawigan.
Si Lim na isang empleyado ni Ilocos Sur Governor Luis Singson ang nagtapat sa Senado o impeachment court kamakalawa na nakakolekta siya ng kabuuang P3 milyong jueteng money mula kay Mayor Estrada. Isa umano rito ang P1 milyong personalized cheque.
"Inuulit ko po sa harap ninyo na wala akong tinanggap na kahit isang sentimo na galing sa anumang uri ng iligal na sugal. Malinis ang aking kunsiyensiya. Wala akong itinatago sa ating mga kababayan," sabi pa ng Pangulo sa kanyang talumpati.
Sa panayam naman ng radio station dzMM, tinawanan lang ni Mayor Estrada ang akusasyon ni Lim kasabay ng pagsasabing babalik siya sa bansa para harapin ito.
"Babalik ako para harapin ang akusasyon sa akin ng testigo ng prosecution," sabi ng alkalde na kasalukuyang nasa United States.
Natawa rin siya nang tanungin hinggil sa testimonya ng isang testigo ng tagausig na nagpalabas siya ng isang personalized cheque na bahagi ng koleksyon niyang suhol ng mga jueteng lord para sa kanyang ama. "Dati, meron akong personal cheque na hindi ko naman ginagamit," sabi pa niya.
Hiniling naman ng isa sa mga prosecutor na si Leyte Rep. Sergio Apostol na ipailalim sa witness protection program si Lim dahil sa pagbubunyag niya sa pagkakasangkot ng mag-amang Estrada sa operasyon ng jueteng.
Pinuna rin ng isa pa sa tagausig na si Makati Rep. Joker Arroyo na mali ang sinasabi ng mga abogado ni Estrada na walang direktang kaugnayan ang ibinunyag ni Lim sa Pangulo na siyang direktang akusado sa kaso.
"Kung pagtutugma-tugmain, makikita mo na yung koneksyon. Tama ba yung sabihin ng Presidente kay Ilocos Sur Governor Chavit Singson at dating PNP (Philippine National Police) Chief C/Supt. Roberto Lastimoso na kayo ang mag-usap sa jueteng?" sabi ni Arroyo.
Pinaikot-ikot umano ng Pangulo ang jueteng payola para hindi direktang masabit ang pangalan niya sakaling magkabukuhan.
Parang bola umano ng basketball. Mula kay Presidential Assistant for Bicol Affairs Anton Prieto ay ipinasa kay Singson ang jueteng payola bago naman ito ipinasa ni Singson kay Pangulong Estrada.
Ganito rin anya ang ginawa ni Jinggoy na ipinasa muna ang salapi kay Singson na siya namang nagpasa nito sa Malacañang.
Sinabi rin ni Arroyo na, sa ikatlong araw ng paglilitis bukas, ihaharap ng kanilang prosecution panel ang branch manager ng Philippine National Bank sa Bicol para kilalanin kung sino ang nagpalabas ng tumalbog na tseke na binabanggit sa testimonya ni Lim.
Sinasabi ni Lim na binigyan siya ni Prieto ng tseke na nagkakahalaga ng P1 milyon bilang koleksyon sa jueteng pero tumalbog ito sa banko.
Itinanggi ni Prieto na kanya ang lagda na nasa tseke. (Ulat nina Lilia Tolentino, Doris Franche at Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended