Isang Jose Marie Abueg na may e-mail address na
ang nagpakalat noong Disyembre 5 ng mensahe na narinig niya sa isang birthday party sa Makati City na kinumpirma umano ni Caloocan City Rep. Luis Asistio kay Flagship Secretary Robert Aventajado na patay na ang nawawalang public relation man na si Salvador "Bubby" Dacer at hindi na makikita ang labi nito dahil itinapon ito sa karagatan ng Corregidor.
Hindi makumpirma ang kanyang mensahe at pinabulaanan ito ni Aventajado.
Hindi makontak si Asistio hanggang sa isinusulat ito.
May pulis na sangkot umano sa kaso pero walang kinalaman dito si Police Director General Panfilo Lacson. (Ulat ni Gemma Amargo)