US nililigawan ni Lacson
December 6, 2000 | 12:00am
Sinabi kahapon ni Vice President Gloria Macapagal-Arroyo na sinusuyo ni Philippine National Police Chief Director General Panfilo Lacson ang pamahalaan ng Amerika para suportahan ang pagkandidato ng huli bilang presidente ng Pilipinas.
Sinabi ni Arroyo na, ayon sa mapapanaligan niyang impormante, nagtungo sa United States si Lacson para hingin ang suporta ng pamahalaang Amerikano sa kandidatura nito bukod pa sa pagsundo sa umanoy gambling lord na si Rodolfo "Bong" Pineda para patestiguhin ito laban sa Bise Presidente.
Pinabulaanan ni PNP Spokesman Sr. Supt. Nicanor Bartolome ang akusasyon ni Arroyo kasabay ng pagdidiin na nasa isang official mission si Lacson sa U.S. bukod sa wala itong balak na pumasok sa pulitika. Hindi nilinaw ni Bartolome kung ano ang misyon ni Lacson sa Amerika. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended