11 reporma hingi ng Pro-Erap
December 1, 2000 | 12:00am
Kasabay ng paghiling ng 11 hakbang para sa reporma sa pamahalaan para sa mga mahihirap, matibay na ipinanakot ng may 9,000 mga maralita sa kanilang Pro-Erap rally na handa nilang talikuran si Pangulong Estrada kapag hindi nito natupad ang lahat ng kanilang kahilingan sa pamahalaan.
Ipinakita ni Ronald Lumbao, spokesman ng binuo nilang Peoples Movement Against Poverty (PMAP), ang binuo nilang manipesto na naglalaman ng 11 nilang kahilingan sa Philsports Arena sa Pasig City.
Nangunguna sa kanilang listahan ay ang tuluyang pagsugpo ng gobyerno sa lahat ng uri ng sugal sa bansa. Pumapangalawa ang across-the-board na pagtataas sa suweldo ng mga manggagawa, at ikatlo ang pagbibigay ng trabaho sa mga maralitang natanggal sa trabaho dahil sa krisis sa ekonomiya. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest