Suporta kay GMA babawiin ?
November 25, 2000 | 12:00am
Maaaring bawiin ng simbahang Katoliko ang suporta nito kay Vice President Gloria Macapagal-Arroyo kapag nabigo rin itong magtrabaho nang husto kapag naging presidente na ito ng bansa. "Ang pagsuporta sa panawagan sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph Estrada ay hindi nangangahulugan ng pag-endorso kay Vice President Macapagal-Arroyo. Kung sakaling maging presidente si Vice President Arroyo, ito ay pagkilala lang sa tadhanain ng Konstitusyon na siya ang papalit kapag nagbitiw o natanggal sa puwesto ang Presidente," sabi ng isang primer na ipinalabas ng National Secretariat for Social Action, Justice and Peace o NASSA ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.
Sa kaugnay na kaganapan, inindorso ni Arroyo sa harap ng mga mamamahayag kamakailan sa General Santos City at South Cotabato si dating Defense Secretary Renato de Villa bilang kanyang bise presidente sakaling masentensyahan sa impeachment case si Estrada. (Ulat nina Jhay Mejias at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended