'Impeachment vs GMA malabo' - Sen. Pimentel
November 23, 2000 | 12:00am
Tahasang sinabi kahapon ni Senate President Aquilino Pimentel Jr. na mabibimbin lang ang kasong impeachment na isasampa ng House of Representatives laban kay Vice President Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinabi ni Pimentel na malabong maaksyunan ng Senado ang impeachment case ni Arroyo dahil nakatutok ang lahat sa impeachment case laban kay Pangulong Joseph Estrada.
Tiniyak kamakalawa ng justice committee ng House na isusumite na nila sa Senado ang impeachment complaint laban kay Arroyo.
Pero sinabi ni Pimentel na hindi maaaring pagsabayin ang dalawang kaso dahil na rin sa bigat ng mga ito at sa magiging iskedyul dito.
Pero, kung igigiit anya ang impeachment laban kay Arroyo, posibleng magkaroon lang ng mabilis na paglilitis kay Estrada.
Ipinaliwanag ni Pimentel na kailangan ang maingat at detalyadong pagdinig sa kasong impeachment dahil nakasalalay dito ang estado ng Pilipinas.
Maisasalang lang anya sa paglilitis ang kaso ni Arroyo sa sandaling matapos ang pagdinig kay Estrada.
Sa House, ilang kongresista ang naniniwalang maaaring lagariin para lalong mapabilis ang pag-endorso sa Senado ng impeachment case laban kay Arroyo dahil sa pag-upo ng bagong tagapangulo ng justice committee na si Ilocos Norte Congressman Rodolfo Fariñas na kilalang isa sa bataan ni Estrada.
Sinabi naman ni Pampanga Congressman Oscar Rodriguez na makakatulong din sa pagpapabilis ng kaso ang pagsumite ni Arroyo ng kasagutan sa impeachment complaint na naunang inihain ng Marcos lawyer na si Oliver Lozano.
Kabilang sa akusasyon ni Lozano ang kabiguan ni Arroyo na magsumite ng statement of assets and liabilities at kuwestyunableng ari-arian sa Estados Unidos na nagkakahalaga ng mahigit $4 milyon.
Samantala, pinag-iingat ni Senador Rodolfo Biazon si Arroyo laban sa pakikitungo nito sa mga rebeldeng grupo.
Ginawa ni Biazon ang babala dahil sa pagkumpirma ng lider ng National Democratic Front na si Jose Maria Sison na merong pormal na alyansa ang NDF sa United Opposition na pinamumunuan ni Arroyo.
Sinabi ni Biazon na hindi dapat magpadala si Arroyo sa matatamis na dila ni Sison dahil hindi lang ang pagpapatalsik kay Estrada ang hangad nito kundi pati na rin ang pagpapabago sa mismong pamahalaan. (Ulat nina Doris Franche at Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended