Government men ban sa rally

Kinumpirma kahapon ni Pangulong Joseph Estrada ang pagpapalabas ng Malacañang ng isang memorandum na nagbabawal sa lahat ng empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga rally at iba pang kilos-protesta.

Sinabi ng Pangulo na bawal sa sinumang empleyado na lumahok sa mga rally sa oras ng trabaho kahit pa pabor o kontra pa sa kanya ang kilos-protesta. Nakakasira anya sa ekonomiya ng bansa ang mga kilos-protesta dahil tinatakot nito ang mga lokal at dayuhang negosyante na mamuhunan sa Pilipinas. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments