Estrada 'wag mo akong suhulan' - Pimentel
November 16, 2000 | 12:00am
"Erap, huwag mo akong suhulan!"
Ito ang sinabi kahapon ni Senate President Aquilino Pimentel kay Pangulong Joseph Estrada matapos niyang aminin na dalawang beses nang nagtangka siyang suhulan ng huli.
"Kung sinasabi niyang ‘huwag n’yo akong subukan,’ sinasabi ko naman sa kanyang huwag mo akong suhulan," ani Pimentel na nahalal na bagong pangulo ng mataas na kapulungan kapalit ni Sen. Franklin Drilon na kumalas kamakailan sa maka-administrasyong Lapian ng Masang Pilipino.
Tiniyak naman ni Pimentel sa isang pulong-balitaan na magiging patas ang pagdinig ng Senado sa impeachment complaint laban sa Pangulo.
Sinabi ni Pimentel na noong taong 1998, isinauli niya ang P200,000 Christmas bonus mula sa Pangulo.
Ayon pa sa kanya, tinanggihan din niya ang isang magarang luxury car mula sa Pangulo kapalit ng kanyang pagsang-ayon sa Visiting Forces Agreement na kanyang mariing tinututulan.
Idinagdag ni Pimentel na hindi siya napilit ng Pangulo kaugnay ng mga panukalang legalisasyon ng mga sugal sa bansa.
Magugunitang naunang ibinunyag ni Senator Ramon Magsaysay na nagkakaroon na nang suhulan sa Kongreso upang masiguro na hindi magtatagumpay ang impeachment complaint na nasa Senado na ngayon.
Umaabot umano sa P100 milyon ang iniaalok sa bawat senador kapalit ng pagbasura nila sa impeachment complaint.
Nakatakdang simulan sa Disyembre 1 ang pagdinig ng Senado sa kauna-unahang impeachment complaint na inihain laban sa Pangulo ng bansa at nakalusot sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Samantala, pinabulaanan ni Foreign Affairs Secretary Domingo Siazon na kinukumbinsi ng Estados Unidos si Estrada na magbitiw sa tungkulin. Nauunawaan anya ng US ang sitwasyon sa Pilipinas dahil dumaan din sa impeachment si US President Bill Clinton. (Ulat nina Marilou Rongalerios at Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest