Villar, kauna-unahang Speaker na pinatalsik sa puwesto
November 15, 2000 | 12:00am
Hindi pinagsisihan ni dating House Speaker Manny Villar ang kanyang naging hakbang na mabilis na ipadala sa Senado kamakalawa ang Article of Impeachment kahit ang naging kapalit nito ay ang kanyang posisyon bilang Speaker ng Mababang Kapulungan.
Si Villar lamang sa historya ng House of Representatives ang Speaker na napatalsik sa puwesto mula nang itatag ito. Ayon kay Villar, wala siyang dapat pagsisihan sa kanyang ginawa dahil ang una niyang iniisip ay ang kapakanan ng bansa at hindi ang kanyang posisyon bilang speaker.
Sinabi rin ni Villar na ikinatuwa ng kanyang pamilya ang kanyang ginawa at ikinarangal pa nga siya ng mga ito. "Sa ngayon, makakapagbakasyon tayo kahit konti dahil nagawa na nating ipadala sa Senado ang Articles of Impeachment," ani Villar.
Samantala, binawi naman ni Maguindanao Rep. Didagen Dilangelan ang kanyang pahayag kamakalawa na maghaharap siya ng kaso sa Korte Suprema upang mapigilan ang pagtalakay sa Senado ng impeachment complaint. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest