^

Bansa

Chavit planong iligpit

-
Kasalukuyang ipinakakalat sa Cebu ang isang white paper na nagsasaad na balak umanong patayin si Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson kasunod ng pagbubunyag nito sa pagkakasangkot ni Pangulong Joseph Estrada sa operasyon ng jueteng.

Nakasaad sa apat na pahinang dokumento ang umano’y plano ng mga kalaban ni Estrada sa pangunguna ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na iligpit si Singson para ibintang ang krimen sa Pangulo.

Iniulat din ng ABS-CBN News Channel kahapon ang pagkalat ng white paper pero pinabulaanan naman ito ng kampo ni Ramos.

Sinabi ng kampo ni Ramos na maaaring ang pagpapakalat ng white paper ay istratehiya ng mga tagasuporta ng administrasyon para siraan ang oposisyon.

Sinabi ng dating national security adviser noong panahon ni Ramos na si Jose Almonte na isang luma at mumurahing taktika ang pagpapakalat ng naturang white paper na hindi anya dapat paniwalaan ng mga tao.

May pamagat na "Hidden Truth about Philippine Politics" ang dokumento na nagsasaad ng talamak na katiwalian sa pamahalaan mula pa noong panahon ng mga administrasyon ng mga dating Pangulong sina Corazon Aquino at Fidel Ramos.

Nagmula umano ang dokumento sa isang sekretarya umano ng Pangulo sa Cebu na si Cheryl Jimenea pero pinabulaanan niya na nagmula sa Malacañang ang mga papeles.

Samantala, nabatid sa isang radio report na takda sanang arestuhin ng mga ahente ng Federal Internal Revenue Service ng U.S. si Yolanda Ricaforte kung tuluyan itong nakabalik sa naturang bansa.

Sinasabing wanted si Ricaforte sa U.S. dahil umano sa paglilihim niya ng kanyang tunay na asset and liabilities. (Ulat ni Myds Supnad)

CEBU

CHERYL JIMENEA

CORAZON AQUINO

FEDERAL INTERNAL REVENUE SERVICE

FIDEL RAMOS

HIDDEN TRUTH

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

JOSE ALMONTE

RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with