^

Bansa

Pro at anti-Erap group naggirian sa sementeryo

-
Nagkalat ang mga political poster sa ilang sementeryo sa Metro Manila kasabay ng paggunita sa Araw ng mga Patay kahapon at umabot din dito ang girian ng mga grupong pabor at kontra kay Pangulong Joseph Estrada.

Sa North Cemetery, La Loma, Chinese at South Cemetery, nagkalat ang mga miyembro ng "Erap Resign Movement" na bandang alas-5:00 ng umaga pa lang ay nagsimula nang mangalap ng pirma ng mga pumapasok sa sementeryo para sa paghingi ng suporta sa kampanya sa pagbibitiw ni Estrada sa puwesto.

Bandang alas-10:00 ng umaga nang simulan ng grupong Kalipunan ng mga Damayang Mahihirap at College Editors Guild of the Philippines ang paglilibing sa pagkapangulo ni Estrada sa pamamagitan ng ginawa nilang nitso na kinatititikan ng pangalan ng Pangulo sa North Cemetery.

Pero kinompronta sila ng mga grupong tagasuporta ni Estrada at hinarang ang pangangalap nila ng pirma hanggang sa halos magmurahan ang magkabilang panig. Wala naman umanong naganap na karahasan. Kabilang sa tagasuporta ng Pangulo ang mga miyembro ng Depensa ng Masa, Alay Ni Atienza.

Muntik nang magkaroon ng riot kung hindi naawat ng pulisya ang magkabilang panig. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ALAY NI ATIENZA

ANDI GARCIA

COLLEGE EDITORS GUILD OF THE PHILIPPINES

DAMAYANG MAHIHIRAP

ERAP RESIGN MOVEMENT

LA LOMA

METRO MANILA

NORTH CEMETERY

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with