Gov. Singson nauubusan na ng bala - Lacson
October 20, 2000 | 12:00am
Nauubusan na umano ng isyung maibubulgar si Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson laban kay Pangulong Joseph Estrada kaya binubuhay muli niya ang hinggil sa 11 holdaper na miyembro ng Kuratong Baleleng na sinasabing sinalvage noong 1995 ng buwag nang Presidential Anti-Crime Commission na pinangunguluhan noon ng Pangulo na Bise Presidente pa lang nang panahong iyon.
Ito ang tugon kahapon ni Philippine National Police Chief Director General Panfilo Lacson sa pahayag ni Singson na meron itong affidavit ng dalawang testigo na nagdadawit kay Estrada sa Kuratong rubout.
"Iisa lang ang ibig sabihin niyan. Nauubusan na ng bala si Governor Singson kaya kung anu-ano na ang sinasabi niya," wika ni Lacson sa panayam ng radio station DZRH. Kabilang si Lacson sa miyembro ng PACC na kinasuhan sa naturang usapin. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest