^

Bansa

10 death convicts natodas sa loob ng bilangguan

-
Dahil sa hindi makayanang ‘psychological stress’, may 10 death convicts ang nasawi sa magkakahiwalay na petsa sa loob ng bilangguan habang hinihintay ang magiging resulta ng isinasagawang ‘automatic review’ ng Supreme Court sa kanilang mga kaso.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Congressman Roan Libarios (Lamp, Agusan del Norte), isa sa mga mambabatas na tutol sa parusang kamatayan. Siya ang nagpanukala na baguhin ang death penalty law at gawin na lamang na habambuhay na pagkabilanggo na may minimum na mandatory term na 40 taon ang pinakamabigat na parusa.

Ayon kay Libarios, labis ang nararanasang psychological stress ng mga bilanggong nasa death row kung kaya’t ang iba sa mga ito’y mas ginusto pa ang mamatay na lang kaagad.

Kinilala ng Bureau of Corrections ang sampung death convicts na sina Eduardo Mutuc,47, ng Quezon City; Leodegario Quiñonez,55,ng Malolos, Bulacan; Carlito Suba, 57, ng Angeles City; Serlito Garcia,31, ng Surigao City; Ruben Herradura, 72, ng Iloilo City; Allen David, 25, ng Angeles City; Luis Domingo, 64, ng Sta. Cruz, Laguna; Jose Roquero,52, ng Puerto Princesa City; Elisco Alvero, 43, ng Abuyog, Leyte at Alfredo Joya, 58, ng Malabon, Metro Manila.

Si Mutuc ay namatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng bilangguan samantalang sina Quiñonez, Garcia, Herradura, Domingo at Joya ay namatay naman dahil sa cardio respiratory arrest.

Sina Roquero at Suba ay namatay sanhi ng hypertension at myocardial infection.

Samantala, hindi matiyak kung ano ang ikinasawi nina Alvero at David. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ALFREDO JOYA

ALLEN DAVID

ANGELES CITY

BUREAU OF CORRECTIONS

CARLITO SUBA

CONGRESSMAN ROAN LIBARIOS

EDUARDO MUTUC

ELISCO ALVERO

ILOILO CITY

JOSE ROQUERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with