Defensor, ika-26 PAF chief
October 11, 2000 | 12:00am
Pormal na isinalin kahapon ni Lt. Gen. Willie Florendo ang kapangyarihan kay Major Gen. Benjamin Defensor Jr., nakababatang kapatid ni Senadora Miriam Defensor Santiago upang pamunuan ang Phil. Air Force (PAF).
Sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Grandstand ng Villamor Air Base sa Pasay City, malugod na tinanggap ni Pangulong Joseph Erap Estrada na siyang nanguna sa turn-over ceremony si Defensor bilang bagong pinuno ng hukbong panghimpapawid.
Si Defensor ang napiling humalili kay Florendo matapos itong magretiro kahapon sa gulang na 56 sa mahabang panahong pagseserbisyo sa militar.
Napag-alaman na si Defensor ang ika-26 na naging pinuno ng PAF at dating namuno sa Tactical Operations Command na nakabase sa Mactan-Cebu.
Umiwas naman ang Pangulo sa mga mamamahayag matapos ang magarbong turn-over ceremony.
Ito ang kauna-unahang public appearance ni Estrada matapos ang kontrobersyal na isyu hinggil sa jueteng scandal na ibinulgar ni Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson. (Ulat nina Joy Cantos, Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest