Enrile sugatan, 3 katao patay sa car mishap
October 8, 2000 | 12:00am
Tatlong tao ang nasawi habang nasugatan naman si Cagayan Congressman Jack Enrile Jr. nang magsalpukan ang kani-kanilang mga sinasakyang kotse sa kahabaan ng national highway sa Roxas, Isabela kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Police Regional Office 2 Director C/Supt. Rowland Albano ang mga nasawing biktima na sina Olimpia Marquez, Emerson Marquez at Danny Guillermo na pawang lulan ng Tamaraw FX.
Nagtamo naman ng mga sugat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Enrile at ang driver niyang si Danny Sallano na kapwa isinugod sa Saint Paul Hospital sa Tuguegarao, Cagayan. Ang mambabatas na anak ni Senador Juan Ponce Enrile at si Sallano ay lulan naman ng Land Cruiser nang maaksidente.
Bandang alas-2:00 ng hapon nang magsalpukan ang nabanggit na Tamaraw FX at Land Cruiser na kinalululanan ng mga biktima sa kahabaan ng national road sa Barangay San Pedro, Roxas.
Lumilitaw sa pangunang imbestigasyon ng pulisya na binabagtas ng Tamaraw FX na may plakang UCS-790 at minamaneho ni Guillermo ang naturang lansangan patungo sa hilagang bahagi ng Isabela nang biglang tumawid sa kalsada ang isang motorsiklo.
Iniiwas ni Guillermo ang minamaneho niyang Tamaraw FX pero aksidenteng sumalpok siya sa kasalubong nitong Land Cruiser na minamaneho ni Sallano.
Agad na namatay sa pinangyarihan ng aksidente si Guillermo at ang dalawang Marquez dahil sa lakas ng banggaan ng dalawang sasakyan.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended