^

Punto Mo

Mayang (2)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG nakasakay si Jefferson sa bus patungo sa probinsiya ni Mayang ay binabalikan niya ang mga nangyari sa kanila ni Mayang pitong taon na ang nakararaan.

Pareho silang nasa UAE ni Mayang. Nagtatrabaho si Mayang na kasambahay ng isang mabait na mag-asawang Arabo. Nagkakilala sila ni Mayang habang nasa isang mall doon. Siya naman ay nagtatrabaho sa isang poultry farm. Naging magkaibigan sila ni Mayang at nagkaibigan. Mula noon ay nagpapalitan na sila ng texts at tawag sa telepono. Mahal nila ang isa’t isa. Unang boyfriend siya ni Mayang. Unang girlfriend naman niya si Mayang.

Sabi ni Mayang kapag nakaipon daw siya ay magtatayo na lamang ng isang negosyo sa kanilang probinsiya. Nakakasawa na raw ang pagiging DH. Kahit daw mababait ang mga amo niya, gusto pa rin niyang makatakas sa pagiging DH.

Si Jefferson naman ay may balak na sa ibang bansa makipag­sapalaran. Sinabi niya iyon kay Mayang.

“Saan mo balak na bansa?’’

“Baka New Zealand o Australia.’’

Hanggang sa maisipan nilang sabay na magbakasyon sa Pilipinas. Noon ay desidido na si Mayang na huwag nang bumalik sa UAE. Si Jefferson ay babalik pa at inaasikaso ang pag-aaplay sa New Zealand.

Nang sabay silang magbakasyon, may nangyari sa kanila ni Mayang.

Hanggang nakabalik sa UAE si Jefferson. Makaraan ang isang buwan, natanggap siya sa New Zealand. Hindi na niya natawagan si Mayang. Hanggang lumipas ang pitong taon at ngayon lang siya bumalik para puntahan si Mayang.

Pagkababa sa bus, tinungo ni Jefferson ang bahay nina Mayang. Kinakabahan siya. Hindi niya alam kung dito pa nakatira si Mayang. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with