^

Probinsiya

Pulis, mekaniko todas sa Palawan shooting

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pulis, mekaniko todas sa Palawan shooting
Sa ulat ng Palawan Provincial Police Office (PPO), nangyari ang insidente sa nasabing lugar mag-aalas-12 ng tanghali.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang mekaniko matapos na barilin ng kaaway na parak habang ang huli ay nabaril at napatay naman ng kaniyang mga kasamahan sa madugong insidente sa Brgy. Rio Tuba, Bataraza, Palawan nitong Lunes.

Sa ulat ng Palawan Provincial Police Office (PPO), nangyari ang insidente sa nasabing lugar mag-aalas-12 ng tanghali.

Ang nasawing pulis na hindi pa pinangalan ay nakatalaga sa 2nd Ope­rations Unit ng PNP Maritime Group habang ang napatay nitong mekaniko ay inaalam din ang pagkakakilanlan.

Ayon sa imbestigas­yon, pinagbabaril ng nasabing pulis ang meka­niko gamit ang kaniyang service firearm sa loob ng premises ng kanilang himpilan na siyang agarang kumitil sa buhay nito.

Nang magresponde ang mga operatiba ng Bataraza Municipal Police Station ay tinangkang hulihin ang nasabing ­parak pero imbes na sumuko ay pinaputukan umano nito ang mga kasamahan na napilitan namang gumanti ng putok na kanyang ikinabulagta.

Ang nasabing pulis na nagtamo ng tama ng bala sa hita at katawan ay unang dinala sa Rio tuba Nickel Foundation bago inilipat sa Batarasa Municipal Hospital Office para kaukulang medikasyon.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang kasong ito kung sino sa pagitan ng nasawing pulis at mga kasamahan nitong parak ang naunang nagpaputok ng baril.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with