^

Banat Palaro

Gilas training camp lalarga na sa Calamba

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula na ng matinding ensayo ng Gilas Pilipinas para paghandaan ang FIBA Olympic Qualifying Tournament na papalo sa susunod na buwan sa Riga, Latvia.

Excited na si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na muling makasama ang kanyang bataan sa training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

“I’m excited to get back working with the guys and getting this thing going again,” ani Cone.

Nakatakdang sumalang sa tuneup game ang Gilas kontra sa Taiwan Mustangs sa Lunes, ayon sa pahayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Gaganapin ang Gilas-Taiwan Mustangs match sa Philsports Arena sa Pasig City.

Mapapalaban ang Gilas dahil kamakailan lamang ay kinuha ng Mustangs sina dating NBA star Dwight Howard at DeMarcus Cousins.

Wala pang anunsiyo ang Mustangs kung kasama nito sina Howard at Cousins sa tuneup game.

Magandang pagkakataon ang tuneup game upang makabuo ng che­mistry ang Gilas at mas lalo pa itong mahasa bago ang Olympic qualifiers.

Mangunguna sa panig ng Gilas si naturalized pla­yer Justin Brownlee na nasa kundisyon dahil galing ito sa kampanya kasama ang Pelita Jaya sa Indonesia Basketball League at Basketball Champions League (BCL) Asia.

Pasok din sina June Mar Fajardo, Scottie Thompson, CJ Perez, Chris Newsome, Calvin Oftana, Dwight Ramos, Kai Sotto, Kevin Quiambao at Carl Tamayo.

Papalitan naman ni Japeth Aguilar si AJ Edu habang si Mason Amos ang hahalili sa posisyon ni Jamie Malonzo.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with