^

Banat Opinyon

Pinoy driver, susi sa pagkaaresto ng Chinese spy!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Puwede nang ikuwento kung paano nabuking at naaresto­ ang Chinese spy na si Yuhang Liu. Dapat magkaroon ng Senate hearing sa kaso ni Yuhang para malaman ng mga Pinoy ang extent ng kanyang pag-espiya sa mga embahada­ at military camps sa Pinas. Isang test case kasi ang kaso ni Yuhang dahil siya ang kauna-unahang espiya ng China na naaresto ng mga awtoridad en flagrante delicto. Nasa kainitan kasi ng balitaktakan ang Pinas at China tungkol sa West Philippine Sea kaya aktibo ang mga Chinese­ spy kung paano mapaglalalangan ang mga Pinoy. Subalit kapag na­silip na ang cellphones, computers, laptops at ad­vanced com­munication equipments ni Yuhang at nakumpirma ang pag-espiya niya, dapat magkaisa na ang mga Pinoy na labanan ang China. Ano sa tingin mo Sen. Risa Hontiveros Mam?

Nang dumating si Yuhang sa Pinas noong 2018, naging connected ito sa isang firm sa MOA. May employment permit card ito mula sa DOLE subalit nag-expire noong Abril 30, 2021. Dahil hindi naman niya kabisado ang Pinas­, nag-hire ng driver si Yuhang na nagdadala sa kanya sa “pagdalaw” sa US embassy, Japanese embassy, vital go­vern­ment installations at military camps. Kapag nasa target na sila, nagpapatulong si Yuhang na buhatin at ipuwesto ang mga gamit niya. Subalit pinaaalis niya ang driver, kapag nag-o-operate na siya. Habang gumagana ang parang tower­ na kasinglaki ng timba, panay tipa ni Yuhang sa laptop kaya naghinala ang Pinoy driver.

Lumutang ang driver sa opisina ni Col. Joel Ana ng CIDG-National Capital Region at ikinuwento ang mga nasaksihan kay Yuhang. Pero sigurista si Ana. Pinakiusapan niya ang driver, na kunan ng pics ang mga gamit ni Yuhang kapag nalingat. Nakapitik ang driver at ipinakita sa CIDG-NCR. Nakipag-coordinate si Ana sa intel agents ng gobyerno tulad ng MIG19, ISAFP, IG ng PNP at NTC at kinumpirma nila na eavesdropping devices ang mga gamit ni Yuhang.

Nagduda na si Yuhang sa driver kaya tinutukan niya ito ng baril sa Makati City noong May 29. Ang ‘di alam ni Yuhang, minomonitor na siya ng CIDG at intel agents, inaresto siya. Nakumpiska ang listening devices sa kanya­. Nang halug­hugin­ ang condo unit niya sa follow-up operations, nakum­piska ang isang aerial drone. Puro modernong kagamitan ang nakumpiska kay Yuhang. Legal ang lakad ng CIDG at intel agents para hindi na makawala si Yuhang na naka­kulong sa Custodial Center ng PNP sa Camp Crame. Nag-apply na si Ana ng Warrant to Examine Computer Data nang mabuksan na ang gadgets ni Yuhang para magkabistuhan na. Abangan!

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with